Mitolohiya               I – Ang Alamat ng          Pagkawala ng mga                       Sirena





Buod ng kwento:

Si Neptuno ang makapangyarihang diyos ng karagatan. Payapa, marilag at mayaman pa noon ang karagatan sa kaniyang pangangalaga. Bagma't limitado lamang ang dami at uri ng mga isda na nahuhuli ng mga mangingisda ay hindi sila umuuwing walang bitbit.GrekoMagtungo tayo sa banda roon, napakakaunti ng isdang nahuhuli rito!MilanNgunit hindi ba't ipinagbabawal sa atin ang magtungo roon? Magagalit si Neptuno.OrakuloSabi sa inyo e! Siguradong malaki ang kita natin sa dami at espesyal ng mga isda dito!Oo nga, oo nga! Whoo!Hindi nagtagal ay hindi lang ang grupo ni Greko ang nangisda dito. Inabuso ng mga mangingisda ang karagatan at ito ang ikinagalit ni Neptuno. Pinadala ni Neptuno ang kaniyang anak na si Ariela at ang mga sireno at sirena upang bantayan ang karagatan. Pinahirap ni Neptuno ang pangingisda para sa mga taga-Maui. Ngunit sa halip na humingi ng kapatawaran kay Neptuno ay gumamit sila ng mga dinamita para manghuli.Naging mabangis ang mga isda sa karagatan at lalong lumakas ang mga alon dahil sa galit ni Neptuno. Isang gabi sa pagbabakasakali ni Greko na makahuli ng isda ay 'di sinasadyang nasilo niya si Ariela. Nakarating kay Neptuno ang balita sa pagkakabihag ng kaniyang anak. Nagpadala si Greko ng mensahe na sila ay maaaring mangisda ng kahit ano at kahit saan kapalit ni Ariela. Napilitang pumayag si Neptuno sa kasunduan.Ilang panahon na ang nakalilipas ng hayaang mapasakamay ng tao ang karagatan. Dahil sa kalabisan ng tao at kagustuhang magkamal ng maraming pera - ang nakagisnang kariktan ng karagatan ay unti-unti nang nawawala. Tuluyan na ring naglaho si Neptuno, Ariela at ang mga sireno at sirena sa dagat.



Mga Komento